Saturday, June 28, 2014

Chapter 1

Bago ko pa subukang buksan ang gate ng bahay namin, dumagundong na ang nakasigaw na tinig ng aking mama. "Walangh**ya ka! Nambaba**e ka. Akala mo siguro hindi ko malalalaman! Umalis ka dito at 'wag ka nang babalik!!" Nakarinig ako nang malakas na tunog ng mga babasaging bagay na nababasag.

Napagpasyahan kong 'wag na munang umuwi sa bahay tutal wala naman din akong makakain doon lalo na't nagbasag nanaman si mama kaya pumunta muna ako dito sa park at umupo sa swing. Halos wala na nga kaming makain tapos lagi pa siyang nagbabasag kapag nag-aaway sila ni Papa. Dati ko pa naiisip kung bakit ayaw pa nila maghiwalay tutal naman halos magpatayan na sila sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas. Sanay na rin ako na tuwing pagkauwi ko galing sa trabaho ay nag-aaway sila o di naman kaya'y nagsusugal at nag-iinom. Isa akong working student at scholar dahil wala naman akong choice dahil wala namang plano ang aking mga magulang na pag-aralin ako. Siguro maya maya uuwi na rin ako.

*

"So as i was saying your project in this sem. includes the film showing that will be held the day after tomorrow that will cost 980 pesos. If anyone don't participate in this film showing will have a failed grade." sh*t sh*t sh*t! pera.pera.pera na naman. Saan ko naman hahagilapin yang pera na yan?! Ang sweldo ko lang naman mula sa pinagtatrabahuhan ko ay 100 pesos per day tapos may iba pa rin akong pinagkakagastusan tulad ng pagkain ko buong araw.

Nasa Canteen ako ngayon pero nagdadalawang isip ako kung bibili ba ako ng makakain o titiisin ko lang ang gutom ko hanggang sa mag-uwian. Hays. Bibili na nga lang ako ng isang cracker at tubig.

"Uy, kanina pa kitang napapansin na nakabusangot yang mukha mo." Ang ingay naman dito hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagkain ko. Halos rinig na rinig ko na yung pag-uusap nila eh.

"Hoy!" Ano ba yan ang ingay talaga. Naramdaman kong medyo tumahimik na ang canteen kaya nakapagconcentrate na ulit ako sa pagkain ko.

Tapos na akong kumain kaya umiinom na ako ngayon ng tubig. Lulunukin ko na sana ang tubig ko ng...

"HOY!" may sumigaw ng malakas sa tapat ng tenga ko at sabay kiliti sa baywang ko.

Bigla akong nabilaukan. Hindi na ako makahinga. Kailangan kong huminga! Hah. Hah. hah. Nakita kong may iniaalok sa aking tubig mula sa kung saan kaya inabot ko na iyon at ininom. Sa wakas NAKAHINGA rin!

Tumingin ako sa may likod ko at nakita ko ang isang lalaki na natatawa tawa pa at sigurado akong siya ang kumiliti at sumigaw sa may tenga ko. Tinignan ko siya ng masama.

 "ANO BANG PROBLEMA MO! SINO KA BA!?" Bwis*t. Halos mamatay na ako sa ginawa niya.

"Hi! Ako nga pala si..."

Prologue

Having a life like Stephanie Lonar is hard to take.

Stephanie Lonar is a  16-year old depressed teenager due to a constant problems.

Being a teenager, it is hard for her to face many problems in her life:
Financial Problems
Family Problems
Interaction Problems
And many more problems that you may include.

She is a girl that is hopelessly living under this world meaninglessly.

But there this guy that keeps on cheering her up to fulfill her soul with love.

Is he the key that will open her locked love?

Will she remain living lifelessly?

or

Will she be able to say to anyone that..."Living Without Love is Lifeless".